Ako’y sumasamo sa ‘yo’y nagpupuri
Dahil sa kadakilaan ng Iyong pag-ibig
Ako’y aawit ng pasasalamat
Sa ‘yong mga kamangha-manghang gawa
Sa kabila ng mga pag-subok na aking nararanasan
Di man malirip ng aking payak na isipan
Ang mga pangyayaring nagaganap sa aking kapaligiran
Patuloy pa din ang aking pagpupugay
Di kayang isulat ng lapis sa papel
O iguhit man ng pintura sa pinsel
Ang mga kabutihan na iyong pinaranas
Aking isisiwalat ang iyong kapangyarihan
Ako’y aawit at sasamba
Magpupugay sa ‘saliw ng titik at musika
Ako’y sasayaw sa indak ng tunog
Magpupunyagi sa kaibuturan ng aking puso
Ang aking puso ang aking buhay sa iyo lamang iaalay
Mula ngayon at magpakailaman.....