14 October 2017 @19:50
Ako’y nagitla nang aking mabalitaan ang isang karamdaman
Natulala sa isang kawalan
Nagisip ng malalim
Nakaramdam ng takot
Nalungkot
Napighati
Napatigil....
Ito nga ba’y katotohanan o kathang isip lamang
Ito ba’y dapat ipaglaban o ipagwalang bahala na lang
Ito ba’y dapat isipin o hayaan na lamang
Matagal ang paghihintay
Matagal na matagal...
Napapaisip na iwan na lang ang mahal sa buhay
Subalit napapaisip sa kanilang kinabukasan
Tama nga ba na takasan o iwanan
Salamat sa kaibigan na aking karamay
Sa panahon ng unos handa syang dumamay
Palalakasin ka sa oras ng kahinaan
Mananatili sa panahon ng kahirapan
Salamat sa pamilya na nagmamahal
At handang dumamay sa oras ng kagipitan
Salamat sa sakripisyo na kanilang inaalay
Salamat...salamat
Subalit sa kabila ng samu’t saring pagsubok na nararanasan
May isang Diyos na sa atin ay lalaban
Sasamahan sa dagok ng buhay
At magtatagumpay dahil pangako NYA ay katagumpayan.